“I didnt knew I will fall for you” — Rain Salazar. Sa panahon ngayon, pera na lang ang pinapahalagahan sa mundo. Para sa tao eto ang pinakamahalaga sa lahat. Iniisip nila na kayang bilhin lahat ng bagay ng pera. Pero para kay Rain, kahit nasa kanya lahat ng luho at yaman, hindi sapat ang pera para sa kasayahan dito sa mundo. Hindi mo mahahanap sa pera ang salitang ‘kuntento’. Mahahanap mo ang salitang kuntento kung meron kang pagmamahal at kasiyahan na nanggagaling sa taong mahal mo. Pero paano kung isang araw, natagpuan ito ni Rain ngunit hindi naging madali sa kanya dahil sa mga hadlang between sa kanila ni Summer? May pag-asa pa kayang sumaya siya? O manatili na lang siyang nagpapa-agos sa mundo kung saan ang pera lang ang pinapahalagahan sa lahat?