Paano kung yung taong ginusto mo, minahal mo ng buo, at mahal mo ng sobra sobra ay ang tao ding pumatay sa tatay mo? Matatanggap mo kaya? Ako si Luna May dalawang Over protective akong mga kapatid, si kuya Lee Harrys Sy at kuya Jade Sy. Si kuya Lee Masyado syang sikat at bigatin pagdating sa school namin pero palagi kaming nag aasaran, kahit na ganun ay sobra syang mag alala na kala mo wala ng bukas kaya kapag may nangyari sa akin o may nanakit sa akin sya yung makakalaban mo. Si kuya Jade naman yung kuya kong sobrang strict, workaholic at napaka seryoso nyang tao. Pero sya din yung unang makakapatay ng tao kapag may nangyari sa akin kahit na palagi kaming nag aasaran ay napaka strict nya sa akin. Sila na din yung tumayo kong tatay nung nawala si daddy. Hanggang sa nakilala ko ang pumatay sa taong pinaka mahalaga sa akin, Si Liam Chua. Gwapo, Matalino, Napakagandang Mata na kala mo hinahatak ka, Mapupulang LABI at May 6 pack abs (huwaw). pero sya yung taong hindi ko inaasahan na mapapalapit sa buhay ko. Napaka sungit nya at napaka pangit ng attitude. Hanggang sa dumating yung araw na hiniling ko na sana hindi na lang sya yung pumatay kay daddy.
26 parts