Story cover for TRIANGGULONG TATSULOK by WriteTip
TRIANGGULONG TATSULOK
  • WpView
    Reads 83
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 5
  • WpView
    Reads 83
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 5
Complete, First published Dec 22, 2018
Nagkakagulo ang mga tao sa harap ng isang mataas na gusali. Isang lalaki ang maaaninag na nakatayo sa tuktok nito. Mula sa baba, walang pagkakakilanlan ang lalaki at mistula lamang siyang isang estatwa na gawa sa anino. Pangamba ng mga usisera't usisero ay tatalon ito. 
 
 
  Maya't maya pa ay dumating na ang mga rescuer. Kahit papaano ay mayroong nagmalasakit na tumawag ng saklolo mula sa lupon ng mga usisera't usiserong nagkukumpul-kumpol. Mayroon ding dumating na mga reporter. Ang ilan sa mga nakatayo ay pasimpleng lumalapit sa harap ng cameraman upang makunan ng video at mapanood ang sarili mamaya sa telebisyon.

********************

  Tuklasin ang kwento ng buhay ng lalaking nakatayo sa tuktok ng gusali. Tumalon nga ba ito sa bandang huli?

  Lalabas nga ba sa telebisyon ang mga tsismosong epal na nagpo-pose sa harap ng camera?
All Rights Reserved
Sign up to add TRIANGGULONG TATSULOK to your library and receive updates
or
#17darkcomedy
Content Guidelines
You may also like
Abandoned Life by _Rannie_
6 parts Complete
-COMPLETED- Huwebes, eksaktong alas otso ng gabi. Ang natatanging sandaling magkasama ang pamilya Carmona. Madalas ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, kaya hindi maipapagkakailang nakakalimutan ang isa't-isa kahit nakatira lang naman sa iisang tahanan. Sa gitna ng kasiyahan, biruan, maging kwentuhan, eksaktong pumasok ang gulo. Sinira hindi lang ang kanilang ari-arian, pati ang buhay ng iilan sa kasamahan ni Beatrize, ang pangatlo sa anak ng mag-asawang Carmona. Bakit? Bakit kailangang paslangin ang mga taong mahalaga sa kanya? Huli na para tumakas ang dalaga, dinakip siya ng isang lalaking nakakapagtatakang pamilyar sa kanya, kahit pa man may takip ang mukha. May kakaiba sa mga mata nito, tila ba minsan nang nakasalamuha. Sino siya? Sinubukan ng dalagang manlaban, para sa sariling buhay at hustisya na maaaring maibigay pa sa mga nasawing miyembro ng pamilya. Ngunit hindi inasahang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamanyobra ng kriminal. Pasuray-suray, sumuong sa ibang direksyon, hanggang mabangga. Isang abandonadong mansyon ang kanilang nabungaran. Bagay na hindi inaasahang nakatayo pala sa naturang lugar. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang abandonadong mansyon na madalas mapanaginipan. Ano ang ang meron sa lugar? Kalaunan ay napagtanto ng dalaga na ang bawat nangyayari ay hindi nagkataon, sinadya talaga upang buksan ang isang katotohanan. May kwento siyang dapat malaman. Bagay na kung tutuusin ay dapat patay na ngayon, pinaglumaan na ng panahon. Nararapat lang kalimutan. Ngunit dahil sa matinding damdamin, kagustuhan at pangungulila, ngayon ay muling mamamayagpag. Pinapalibutan ng misteryo ng buong lugar. Misteryong siya ang hinihintay na lumutas.
Guards on Duty (Tagalog) by YasherSolaiman
9 parts Complete Mature
Prologue: Sa tahimik na gabi, ang ospital na kilala bilang St. Illustre Memorial Hospital ay nagmistulang isang malamig na kalawakan ng katahimikan. Sa araw, ito'y puno ng kaguluhan-sigaw ng mga doktor, alingawngaw ng mga pasyente, at mabilis na yabag ng mga nars. Ngunit pagsapit ng gabi, tila nagbabago ang lahat. Ang liwanag ng fluorescent lamp sa mga pasilyo ay nagbibigay ng kakaibang anino sa dingding, at ang bawat tunog ay nagiging mas matalim, mas nakakatakot. Ang apat na guwardiya-si Franco, ang palabiro na laging nagpapagaan ng loob ng lahat; si Saipula, na maingat at seryoso; si Solaiman, na tahimik ngunit maaasahan; at si Oberres, ang baguhan ngunit may tapang at lakas ng loob-ay nakatalaga upang tiyakin ang seguridad ng ospital. Hindi nila akalaing sa gabing iyon, ang kanilang trabaho ay magiging higit pa sa pagbabantay. Kasama nila ang tatlong nars-si Nurse Nonan, ang kalmado at laging maaasahan; si Nurse Cabailo, na kilala sa kanyang lakas ng loob; at si Nurse Lacar, na tila may kakaibang paraan ng pag-intindi sa mga nangyayari. Bagamat magkakaiba ang kanilang personalidad, iisa ang kanilang layunin: ang alagaan at protektahan ang mga pasyente. Ngunit unti-unting nagbago ang lahat. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagsimula ang mga kababalaghan. May mga pasyenteng biglang nagiging tahimik, parang nawawala sa sarili, at may ilan ding misteryosong nawawala sa ospital nang walang bakas. Ang mga pintuan ay naglalampasan nang walang tao, at ang tunog ng mga yapak sa pasilyo ay maririnig kahit walang tao. "Masamang espiritu," bulong ng ilan. Ngunit ang tanong na bumabalot sa isipan ng lahat ay mas nakakatakot: Ito ba'y gawa ng isang nilalang na hindi nakikita, o gawa ng isa sa kanila? Sa likod ng bawat hakbang at bawat desisyon ng grupo, isang tanong ang palaging bumabalot: sino ang puwedeng pagkatiwalaan? Sa ospital na ito, hindi lamang mga buhay ang nakasalalay-pati na rin ang kanilang pagkakaibigan, at ang kanilang katinuan.
You may also like
Slide 1 of 10
the mafia's bet cover
Beautiful Mistake cover
Abandoned Life cover
Guards on Duty (Tagalog) cover
The Epic Revenge cover
blades: the stone cover
Can You Retain My Secret? cover
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban) cover
Karen Deryahan cover
I Love You To Death [COMPLETED] cover

the mafia's bet

34 parts Complete Mature

*****SPG***** "nabuhay ako.. paanong nangyari yun..", sabi ni dos nagtataka nakahiga siya sa kama may benda ang mukha😳 naalala niya nakikipaglaban pa sila ng mga kapatid sa warehouse ng sumabog iyon.. 😔 "sir.. wala naman na damage sa mukha mo.. nilagyan ko lang ng bandage dahil may mga sugat para maghilom agad", sabi ng doktor binigyan ng salamin si dos "ha?!, sino yan?.. ah.. i mean bakit siya?..", sabi ni dos nagtataka 😱 ng makita niya sa salamin ang sarili "sir.. ayos ka lang ba?..", sabi ng doktor dahil napasigaw si dos hindi inaasahan ang nangyayari sa kanya nasa katawan siya ng ibang tao.. isa rin sa magaling na hunter sa underworld ng black market.. sabagay guwapo naman si haedes.. pero mas guwapo pa siya kung talaga kung ikukumpara silang dalawa..😆 "si kino.. kailangan ko mahanap siya..", sabi ni dos sa isip nasa katauhan ni haedes.. pero nakita niya ang singsing sa kamay kaya niya kaya tinawag si kino.. kahit ang bantay niya nagtaka sa nangyayari..