Sweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan ng kaniyang kabadtripan. Dahil sa isang school project ay aksidenteng naging kapartner niya ang kinagagalitang Hochengco. Sa ayaw o sa gusto niya, alang-alang sa kaniyang grado ay kinakailangan niyang pakisamahan ang isang ito hanggang sa napagtanto niya na nahuhulog na pala siya at mabuti nalang ay sinagot siya nito. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, hindi sukat akalain ni Inez na mahirap palang pumasok sa mundong ginagalawan ng kaniyang minamahal. Inuulanan na siya ng mga batikos, ilang beses ipinamumukha sa kaniya na hindi siya nararapat sa lalaking minamahal. Kahit ganoon ay pilit niyang tumatayo sa sariling mga paa pero sa huli ay kinakailangan nang bumitaw...