Naranasan mo na bang masaktan ng paulit ulit?Yung tipong wala ka nang makitang pag asang may pagmamahal pa sayo ulit.Kasi halos lahat sila sinaktan ka, iniwan ka, ginago ka, at higit sa lahat pinagpalit kapa sa mukhang paa.Ilang beses mo nang sinubukang magmahal pero sa mga beses na yun mo na rin naranasang umiyak ng paulit ulit at masaktan ng sobrang sakit.Hanggang sa nagsawa kana, mismong puso mo ang nagsabing sumuko na, ayaw mona.Nagpahinga ka at sa panahon nang yong pag iisa at may isang taong sayong nagpapasaya.Yung kaibigan mong nandyan para patawanin ka, pangitiin ka sa oras na down na down kana.Yung kahit na umiiyak ka di mo maiwasang mahawa sa mga tawa nya pagpinagtatawanan ka nya kasi sabi nya ang panget mo umiyak.Hanggang sa unti unti, pakonti konti natutunan mong ngumiti uli.Yung ngiting humuhugis sayong mga labi.Yung ngiting parang walang pait na nangyare sa pag iyak mong sandali.Yung isang taong andyan para sayo ang nagbigay ng sigla at kulay sa magulo mong buhay na di mo akalaing mamahalin mo rin pala nang lubusan.