BEEP BEEP Isa yang nakakapangilabot na tunog kapag napunta ka sa gitna ng kalsada. Maninigas nalang ang mga paa mo, hindi ka makakagalaw, at hihintayin mo nalang ang pagkakalasog-lasog ng katawan mo. Pero paano kung ang tunog na yun ang pagmulan ng lahat ng mga bagay na sa imagination mo lang nakakamit? Pano kung yun ang maging dahilan kung bakit mapapalapit ka sa grupong iniidolo mo? Magpapasagasa ka ba? O pipilitin mong tumakbo para mailigtas ang puso mo sa pagkadurog?