-PROLOGUE-
Maraming beses na ‘kong nahirapan.
“Lara…”
Sa pag aaral, sa pang araw-araw na buhay, sa pagsuporta sa sarili, pati na rin sa pag-ibig.
“…Kalimutan mo na s’ya…”
Nabaliw na rin ako sa isang lalaking minsan akong minahal.
“Nandito lang ako para sayo.”
At nung mga panahong iniwan nya ko… halos mamatay ako.
“Hindi kita iiwan.Hinding hindi ko gagawin yung ginawa sayo ni Miguel. Please Lara… LET ME LOVE YOU.”
Pero panahon na nga ba para kalimutan ko ang PAST?
Kailangan ko na bang bawiin ang sinumpa kong,”Hinding hindi na ‘ko magmamahal ulit.” ?
Should I really give my heart a second chance?