The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado
  • Reads 121,925
  • Votes 2,188
  • Parts 12
  • Reads 121,925
  • Votes 2,188
  • Parts 12
Complete, First published Dec 25, 2018
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. 

Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
All Rights Reserved
Sign up to add The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado to your library and receive updates
or
#61facebook
Content Guidelines
You may also like
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION) by iamcranberry
11 parts Complete
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. Maraming sakit ng kalooban ang pinagdaanan ni Ethel, isang sikat na fantasy writer, kaya pinili niyang maglagay ng matayog na pader upang protektahan ang sarili. Lumayo rin siya upang makapagsimulang muli. Natagpuan niya ang panibagong buhay sa bayan ng Naguilian, La Union nang mangupahan siya sa apartment na pagmamay-ari ni Constancia Callejo na may-ari din ng Marl's Silver Shop, isang sikat na pagawaan ng mga silver accessory sa lugar. Pero mukhang mabubulabog ang natagpuang katahimikan ni Ethel nang makilala niya si Denim Callejo-mabait, malambing, guwapo, at umaapaw sa pagiging simpatiko-na nag-iisang apo ni Lola Constancia at nagtatrabaho bilang platero sa negosyo ng pamilya. Sa unang pagkikita pa lang ay natulala na siya sa lalaki at parang natutunaw sa mga nangungusap nitong mga mata na tila binabasa pati ang kanyang kaluluwa. Pero pinaglabanan niya ang atraksiyong naramdaman dahil wala na siyang karapatang umibig dahil sa kanyang mapait na nakaraan. Tila ayaw naman siyang tantanan ni Denim. Lahat ay ginawa ng lalaki upang mapalapit sa kanya sa kabila ng pag-iwas at pagsusungit niya. Hanggang sa unti-unti nang nabuwag ang depensa ni Ethel dahil sa kabaitan at pagmamahal ng lalaki. Gustong ng bumigay ng kanyang puso, ngunit paano kung malaman ni Denim ang kanyang nakaraan? Makayanan kaya uli niyang tanggapin na maaaring mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal? ------------------------------------------------------------------------------------- COPYRIGHT UNDER PRECIOUS PAGES
You may also like
Slide 1 of 10
IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHR cover
Every Line Crossed cover
Playmaker cover
Ain't No Other cover
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION) cover
The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing Santos cover
Clandestinely Yours cover
STALLION RIDING CLUB FAN FICTION 2: Michael Alistair Alleje cover
Stallion Riding Club Series (Fanmade) : LORENZ DELA TORRE cover
Territorio de los Hombres 2: Pociolo Almendra cover

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHR

10 parts Complete

This is also a tearjerker. This is my first story in PHR... I know that you won't understand me - maybe not now. Or probably, you won't ever find the silent understanding in your heart. All I want is to express the words I buried deep into my soul for several years... Harlene came back after six years. Wala siyang ibang hangarin kundi ang makasama ang dalawang anak niya. And of course, the father of her children - Graham. But as expected, malamig pa sa yelo ang naging pagsalubong sa kanya ng asawa. Sino nga ba namang matinong asawa ang matutuwang makita siya pagkatapos niyang umalis ng walang paalam anim na taon na ang nakararaan? She even hates herself for that. At ngayong nakabalik na siya, may kondisyon ang lalaki para muli niyang makapiling ang mga anak nila. It's to be their nanny. Upon hearing his take-it-or-leave-it condition, batid niyang simula na iyon ng pagtikim niya sa paghihiganti nito.