"Gusto mo ba sya?" "Hindi no! Sura ng ugali nya tyaka di ko yan type tsk" Tulak ng bibig kabig ng dibdib Paano mo mapapatunayan na hindi mo sya gusto kung palagi kang nakatingin sakanya? Kung palagi kang natatawa sa tuwing humihirit sya? Kung palagi kang nasasaktan sa tuwing tumatawa sya kapag inaasar at napapahiya ka? Kapag nawawala ka sa mood kapag may mga babaeng lumalapit sakanya? O sa twing palagi mo syang bukangbibig at hindi ka makatingin ng diretso sakanya?