Ayoko talagang ipakasal sa lalaking kakakilala ko palang. Nakakainis! Pano nalang kung manyakis pala siya? Tapos hindi ko gusto ang ugali? Bwiset naman oh! Sinabi ko na kina umma at appa na ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman gusto pero sila yung mapilit para daw sa company namin. Nalulugi na kasi ang company namin kaya kailangan ng ka-share. Bwiset! Sa lahat na siguro ng movie na napanood ko ay puro ganun ang situation. Lagi namang ganun di ba? Nalugi yung company tapos ipapakasal ka sa taong ayaw mo para lang magkaron pa ng malaking share yung company niyo. Uhh, pero what if magkagusto kami sa isa't-isa? Hmm. We'll see.