Rock bands, Rollercoaster, drums, big waves, horses in a big race at surprise graded recitation mula sa terror mong teacher. Ganyan. Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang maangas pero malaanghel niyang mukha. Bata palang ako, hinahangaan ko na sya. Ay mali---bata palang ako, hinahangaan na siya ng lahat lalo na ng mga babae. Bata man o matanda. Pero hindi lang mukha nya ang magpapaibig sayo. Pati ang mga mata niya ay dadalhin ka sa ibang mundo. Lulunurin ka at siguradong di ka na makakaahon pa. Pero hanggang tingin lang ako dahil tagahanga lang niya ako. Hindi niya ako mapapansin. Hindi niya ako papansinin. Pero hanggang kailan?