Norrain's Post:
Sabi nila, kung sino ang magkaiba ang ugali, sila ang magkakatuluyan. Hindi ko alam kung totoo pero wala naman akong patunay kung ganoon nga ba ang buhay. Alin nga ba ang totoo, ang magkaiba na nagkakatuluyan o ang magkapareha na nagkakatuluyan. #OPPOSITE
Arvin's Post:
Hindi ko talaga maintindihan ang mundo. Kung nag-aaral ako para makapagtapos, sasabihin nila, dapat mag-relax daw ako. Kung nagrerelax naman ako, dapat daw nag-aaral ako. Ano ba talaga? Ganito ba talaga? Paano na lang kung mahahanap ko na si the RIGHT GIRL? Ganito pa rin ba ang sasabihin nila? #OPPOSITEAll Rights Reserved