"Hindi porke't mag-asawa na tayo, iisipin mo ng aakto tayo ng mag-asawa. Tandaan mo Scarlet, Hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin." Walang kaemo-emosyong saad n'ya. Tumingin s'ya ng derekta sa mga mata ko, at mababakas ko ang pagka-diri sa kulay brown n'yang mga mata. Tuluyan ng nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga binti ko. Napaupo ako sa sahig, kasabay ng pagsara ng pinto, senyales na umalis s'ya ng kwarto. Ang sakit ng puso ko. Ginawa ko naman ang lahat para magustuhan n'ya ako, pero bakit wala pa rin? Bakit hindi n'ya magawang ibalik ng kahit konti, kahit katiting lang? Dahil ba may mahal s'yang iba? • That was two years ago. When Andrius left me on our wedding night. I went to the states because i couldn't handle the pain in my heart. I didn't expect that.. "Goodmorning class." isang malalim ngunit pamilyar na boses ang bumati sa amin. Natulos ako sa kinauupuan ko. Unti-unti akong tumaas ng ulo, para kumpirmahin kung s'ya nga ang taong iniisip ko.. "Omg, ang gwapo talaga ni Sir!" "Sinabi mo pa girl! Ang sarap magkasala.." "I'll profusely fail, so i could personally talk to him." Humaghikhik pa ang mga taong nasa palogid ko. Oh no.. Bakit s'ya pa?!
22 parts