How will you know he's the one? Where is thing they call true love? Who is he? What will you do when the only real thing is your love for that person? Will you still fight for it even if everything is turning out to be a lie? Kilalanin natin si Elaine Gabrielle Yakazuki. Isang simple, masipag at masiyahing babae na nabigyan ng scholarship sa sikat na Pamantasan, ang De La Salle University. Kasama niya ang kanyang dalawang bestfriends na sina Kathyrin Obiaz at Lizelle San Jose na pareho ding nabigyan ng scholarship. Dito makilala ni Elaine ang kanyang magiging ultimate crush na si Jerome David Castro, ang incumbent Central Student Council President ng DLSU. Siya ang isa sa mga crush ng bayan sa campus ngunit sa likod ng popularidad at oh-so-mr. perfect-figure niya, may tinatago siyang madilim na sikreto. Kasabay nito, makikila ni Elaine si Shawn Drew Alfonso. Ang masungit, arogante at pasway pero equally popular na bestfriend ni Jerome. Isang kasunduan ang maglalapit sa aso't pusang sina Shawn at Elaine. Kasunduan na paniguradong dudurog sa puso ni Elaine sa huli. Ang mali doon, si Shawn lang ang nakakaalam nito. Pero papaano kung may isa sa kanilang mag-fall? Makagulo kaya ito sa deal na nagawa nila? Matuloy pa kaya ni Shawn ang balak niya kung mismong puso rin niya nasasaktan na? Abangan. :)
13 parts