Prologue…
A typical story…
An almost perfect love story that eventually turns out to be the worst nightmare for Alliyah.
Siya si Dylan Joaquin Padilla…
Ang pinakamaangas na taong nakilala ko.
Mayaman siya pero kung makaasta, parang taong kalye.
First year na kami nung magtransfer siya sa school namin.
Ewan ko kung anong nangyari.
Di ko nga alam kung ba’t napasama pa ‘yan sa barkada.
Sabi nila, mabait daw.
Pero hindi ko naman makita.
Pinanganak yata siya para maging kontrabida sa buhay ko.
Ako naman si Alliyah…
Ella ang tawag sa’kin ng pamilya ko.
Pati tuloy mga kaibigan ko, nagagaya na.
Tahimik akong tao. Kabaligtaran ko naman si Dylan.
Invisible lang ako sa school. Siya naman, campus crush.
Mayaman siya. Ako, sakto lang.
Nung una naming pagkikita, hindi kaagad kami nagkasundo.
Suplado siya, mataray naman ako. Hahaha.
Pero syempre, hindi nagtagal, nainlove din kami sa isa’t isa.
At dun na nagsimula ‘yung magagandang happenings sa buhay ko…
Hanggang sa maaksidente at magka-amnesia si Dylan.
Akala ko nagloloko lang siyang hindi niya ko kilala pero hindi pala.
Ang tanging pinanghahawakan ko ngayon?
‘Yung mga katagang “The heart remembers what the mind forgets”.
Nung magka-amnesia si Dylan, nagkaroon ng chance na umeksena si Trixie na eepal sa love story namin.
Maaalala niya pa kaya ako?
Will Dylan’s heart prove that the heart remembers what the mind forgets?
Or will this story just prove that a happily ever after does not really exist?
Join Alliyah, Dylan, and their friends as they take this long journey to FOREVER.
Starring: Alliyah “Ella” Chandria Bernardo
Dylan Joaquin “DJ” Padilla
Trixie “Liza” Soberano
More characters will be announced.
ENJOY! :)