⭐ ONE SHOT ⭐ Alam niyo ang pakiramdam ng laging naapi at lagi kang nasa ilalim? Iyan ang nararamdaman ni Cindy. Simula nung bata pa lang siya, biktima siya ng bully. Madalas siyang inaasar sa sakit niya. Hanggang nagtratrabaho siya, ganun pa rin ang nangyayari sakanya. Hanggang sa isang araw, bigla niyang naisipan na, sana mamatay nalang siya. Nawalan siya ng pag asa. Pero nung nawalan siya ng pag asa, biglang may bumulong sakanya na huwag na huwag siyang mawawalan ng pag asa kasi lahat ng nangyayari, may dahilan at magiging okay din ang lahat. Doon niya na realize na kailangan niyang maging matatag. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung sino ang bumulong sakanya. Isa iyong misteryo hanggang ngayon.Pero ang importante, nag iba siya. At kung sumuko siya, malamang hindi niya mararamdaman ang nararamdaman niyang kasiyahan ngayon.