🎖#5 in NONFICTION - January 16, 2019 🎖#1 in CHILDREN STORY - April 30, 2019 In Genevieve: The name ADOM has the meaning of God's blessing. Kaya naman ito ang naisipang ipangalan ni Enelda Tolentino sa kaniyang nag-iisang anak na lalaki simula noong makita niya ito sa isang iskinita ng Tondo, Maynila. Kinupkop niya ito, inaruga, at itinuring na parang isang tunay na anak. Pinalaki niya ito nang mabuti, masipag, masunurin, magalang, masayahin, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Halos lahat na nga yata ng magagandang katangian ng isang bata ay nasa kaniya na. Kaya ganoon na lamang ang pagmamalaki ni Enelda sa anak dahil kahit wala siyang yaman na maibabahagi rito ay napalaki niya naman ito nang mayaman sa pagmamahal. Halina't kilalanin natin si Adom Tolentino, ang batang magbibigay sa atin ng pag-asa, magbibigay ngiti, at higit sa lahat... ang batang bulol sa letrang 'K'. DATE STARTED: December 27, 2018 DATE FINISHED: January 13, 2019 THE JOURNEY OF ADOM © 2019 Mirassou
18 parts