Story cover for Questing Heirs: Ang Apat na Tagapagmana by johnmg95
Questing Heirs: Ang Apat na Tagapagmana
  • WpView
    Reads 6,911
  • WpVote
    Votes 140
  • WpPart
    Parts 130
  • WpView
    Reads 6,911
  • WpVote
    Votes 140
  • WpPart
    Parts 130
Ongoing, First published Jan 05, 2019
Mature
1 new part
Book 2 of Questing Heirs Trilogy: The Four Heirs

Nang dahil sa mapaglarong ikot ng tadhana, isang kalunos-lunos na trahedya ang bumago sa kasaysayan ng Buong Lupain sa pamamagitan ng magkapatid na Prinsipe Fierro at Prinsipe Costan.

Paglipas ng mga taon, namuhay nang mapayapa si Emperador Costan at Emperatris Ysavel kasama ang apat nilang anak na siyang mga heredero't heredera ng Imperyo, ngunit sa muling pagbabalik ng Panginoon ng Apoy sa nasirang si Fierro, muli silang hahamunin ng mapait na kapalaran.

Mababalot ng kadiliman at kasamaan ang Imperyong Cenpyre at dahil sa kasakiman, magkakahiwalay ang apat na tagapagmana at sila ay mapapadpad sa iba't-ibang Kontinente ng Buong Lupain. Iba't-iba man ang kinagisnan nilang pamumuhay, sa magulo at masalimout nilang mundo, iisa lamang ang bulong at diwa ng kanilang mga puso, at gaano man sila kalayo sa isa't-isa, sila'y pinagbubuklod ng iisang dugo at laman: Ang mga tagapagmana ng Emperador at ang huling pag-asa para sa Imperyong Cenpyre.

Sa pakikipagsapalaran alang-alang sa pag-ibig, karapatan, karunungan, katarungan at kapangyarihan, ano nga ba ang kaya nilang isugal, panindigan at isakripisyo?

Questing Heirs Trilogy:

Book 1- The Fate of Brothers: πŸ† Winner of WPAA Fantasy Award
Book 2- The Four Heirs: Ongoing
Book 3- The Fight For The Empire: Soon
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Questing Heirs: Ang Apat na Tagapagmana to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ] by MoonlightMaddox
178 parts Complete Mature
Sa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros, Kaharian ng Aquaros at ang Kaharian ng Aeros. Bawat Kaharian sa Lupain ng Zahea ay may Hari't Reyna na siyang namumuno sa bawat mamamayanan nito. Sa gitna ng apat ng nasabing Kaharian ay mayroong paaralan, ito'y tinatawag na Majika De Akademiya, ang lugar kung saan may pag-asang mag-aral ang mga kabataang may mga natatanging kakayahan at kapangyarihan. Dito sila sinasanay upang hubugin at hasain ang kanilang mga kapangyarihan para magawa nilang lumaban sa oras ng paglusob ng mga kalaban. Sa kabilang banda, sa kabilang panig ng lupain ay matatagpuan ang Kaharian ng Tenebris.Dito naninirahan ang mga alagad ng kadiliman na kalaban ng kabilang panig na pinamumunuan ng kanilang Reyna na si Reyna Clantania. Siya at ang kaniyang nasasakupan ay may hangaring sakupin ang buong Lupain ng Zahea na siyang pilit na pinipigilan na mangyari ng mga Zaheians. Samantala, sa bundok na siyang naghahati sa dalawang lupain ay may isang dalagang naninirahang mag-isa, ito'y nagngangalang Zahara Worthwood. Siya'y lumaki sa nasabing bundok at kahit kailanman ay hindi pa napapagawi sa ibaba.Kinupkop si Zahara ng dalawang mag-asawang magsasaka nang siya'y makita sa gitna ng kagubatan nung siya'y sanggol pa lamang.Ngunit agad din naman siyang naulila nang paslangin ang mga ito ng hindi niya nakikilalang mga nilalang.Magmula noon ay sinumpa na niyang ipaghihiganti niya ang kaniyang namayapang mga magulang. Subalit ano ang mangyayari sa takbo ng kaniyang buhay kung siya'y mapapadpad sa ibaba ng bundok na nagsilbing tahanan na niya sa loob ng napakaraming taon. Ano ang magiging kapalaran niya kung siya'y makakapasok sa Akademiyang magsisilbing susi niya upang matuklasan ang misteryong bumabalot sa kaniyang katauhan. Date started: April 1, 2021
The Last Heir: and The Four Elemental Princes by iamBLkwriter
74 parts Complete
Gnomes- The Earth kingdom β›° Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom πŸŒͺ Arfis- The Fire Kingdom πŸ”₯ These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. Olympus is the kingdom ruled by king Dreiko the Brewer of the Four elements (Fire,Air,Water and, Earth) with his queen Gettala the Ruler of Harmony, Intelligence and Beauty. Its just happen that, The Dark Forest ruled By Pluto (The Dark Magic Vender) brother of Dreiko arisen his dark kingdom. With his Dark magic he created a strong army that can fight and stand the powers of the Four Elemental Magic. Pluto then attack the Brewer kingdom and deafeated the king together with the queen but their son Drizza survived. With the last magic of Gettala she casted a spell to send her son in a place where he can hide where pluto cant find him. Pluto continue to reign the Olympus with his evil laws The four elemental kingdom then sent their Princes Joran the Earth prince Arvin the Water prince Avira the Air prince and Pyrhus the Fire prince To find the Son of Drieko, the Heir of Olympus. Sino kaya sa Apat na prinsipe ang unang makaka hanap sa Tagapagmana ng Olympus? Mag kaka sundo kaya ang Apat? Mahahanap ba nila ang Tagapagmana ng Olympus? Mag tatalo pa ba nila si Pluto? Mapapapayag ba nila si Drizzang bumalik sa Olympus? O May mahuhulog kay Drizza sa Apat na Prinsipe. Abangan........ blacknightkeiden029
I'M BORN AS ERYNDOR 3 : THE LOST QUEEN | UNEDITED by itsmarresemonika
49 parts Ongoing Mature
TITLE : I'M BORN AS AN ERYNDOR BOOK THREE : THE LOST QUEEN WRITTEN BY MARRESE MONIKA ** Hindi inaasahan ang pagbabalik ni Rini sa dating mundo. Pero sa mga oras na ito ay kasama na niya ang kaniyang mga kaibigan dahil sa isang misyon. Iyon ay hanapin ang dalawa pang mahihiwagang bato na napunta sa mundo ng mga mortal. Ang magiging susi upang maging permanenteng mabubuhay ang nakakatandang kapatid, lalo na ang pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ilalim. Pero saan nila ito mahahagilap? Hindi naman inaasahan na nakikilala at mabibigyan sila ng tulong sa pamamagitan ng mag-asawang Ramael at Bethany Black, sa pamamagitan nila ay mas mapapadali para sa kanila na mahanap ang mga importanteng bagay. Nakuha nila ang impormasyon na napunta ang isa sa isang black market at nakahanda nang i-auction ito. Samantala ang isa naman ay napunta sa isang sikat na artista. Ngunit mas mahihirapan pa sila na mabawi ang mga ito. Sa kanilang pagbabalik sa Thilawiel, maraming nangyari habang wala ang kanilang presensya. Mayroon ding isang hinding inaasahan na rebelasyon na kanilang malalaman lalo na tungkol sa mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw at mundong ilalim. Magiging unos kaya ito ngayong kailangan nilang harapin ang Panginoon ng mga demonyo? Sino ang magiging traydor na labis nilang pinagkatiwalaan? At sino ang tinutukoy na nawawalang reyna mula sa isang lihim na Kaharian? ** PHOTO NOT MINE. THANK YOU.
You may also like
Slide 1 of 10
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ] cover
The Prophecy cover
Casca Goshawk and the Familiar's Might cover
Sagisag ng Bawa cover
The Last Heir: and The Four Elemental Princes cover
The Missing Kingdom of Izles cover
Binayaan: Hagupit ng Ganti  cover
I'M BORN AS ERYNDOR 3 : THE LOST QUEEN | UNEDITED cover
Helianthus Academy: The Lost Legendary Princess cover
The Gifted's (COMPLETED) cover

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]