ABKD apat na letra kakaibang pagbasa, gaya ng pag-iibigang ilang beses pa lamang nagkita ay ramdam ang kakaibang pakiramdam na hindi matukoy ang patutunguhan. Sumusulat ang kanilang mga pangalan sa kwaderno ng tadhana, kwadernong magtatakda sa kanilang dalawa. Ngunit, pumapanig man ang tadhana ay tumatalikod naman ang pagkakataon. Mahanap kaya nila ang tamang panulat sa kanilang kapalarang pinigilan ng pagkakataon? Oras nga ba ang pakikinggan? O magtitiwala pa din sa tadhanang inilaan? Mahanap pa kayang muli ang kwadernong talaan ng kanilang pagmamahalan?