Nang una kitang makita sa paaralan Hindi ko mapgilang ika'y hangaan Mga ngiti mong malupit Ang puso ko'y naakit. Nang masilayan kita sa hindi kalayuan, Nag kasalubong ang ating mga mata at ikay ngumiti 😊 Mga ngiti :) mong nag papaganda, At siyang nag bibigay lakas at enerhiya sa aking napakatamad na umaga. 🌞 Mga ngiti mong nag papasaya sa malungkot kong umaga :( Bakit aking nasilayan ang iyong matatamis na ngiti,? Na ngayong nag papakilig a nag papakabog ng aking dibdib. Mga ngiti mo na kay sarap pagmasdan at syang kumukumpleto sa aking araw. Tuwing ikay aking nakikita Ang puso'y tumatalon sa kaba Pero ako'y nag tataka Ano ang meron ka Bat sayo ko nakikita Bagay na wala sa iba. Sa isang ngiti mo lang mundo ko'y sumisigla Napupuno ng kulay at ligaya Nag kakaroon ng buhay at napakasaya At ng dahil sayo umaga ko'y napaka ganda. At pag nariyan ka'y kumakabog ang dibdib ko Na syang nag papabagal ng aking mundo. Kaya ko nalamang akoy kabado Kapag nakikita kat nag kakasalubong tayo. Sana sa sumunod pa na araw Nais kong masilayan ang napakatamis mong ngiti na syang nag papaganda at nag papasaya sa aking umaga. 😊😊😄All Rights Reserved