Chaos: The Spark Behind the Muse
9 parts Ongoing "Chaos: The Spark Behind the Muse" ay kwento ng isang 22-year old na babae, Accountancy student sa isang mamahaling University sa Manila. Siya si Vee, na naging bihag ng kanyang mga sakit at takot. Iniwan ng pamilya at ipinagkatiwala sa mayamang lola, pinilit niyang magpatuloy sa buhay, subalit ang kalungkutan mula sa pagkakahiwalay sa pamilya ay naghatid sa kanya sa madilim na landas. Sa bawat hakbang, nagiging mahirap ang pagkontrol sa kaguluhan sa kanyang buhay-pag-takas sa gabi, clubbing, at pagkalulong sa bawal na gamot dulot ng pag-sama sa iba ibang kaibigan. Lahat ng ito ay naging paraan ni Viena upang matakasan ang kanyang pinagdadaanan, ngunit hindi nito naalis ang sakit sa kanyang puso.
Sa kabila ng lahat ng ito, isang tao lang ang patuloy na nagmamahal sa kanya-ang kanyang half-brother na si Lucas. Ngunit dahil sa takot na muling maiiwan, tinanggihan niya ito, iniisip na hindi siya karapat-dapat sa pag-mamahal. Habang patuloy na nalulugmok sa kaguluhan ng kanyang buhay, walang alam si Lucas at ang iba pang miyembro ng pamilya na may malubhang kondisyon si Vee, isang sakit na dati'y akala ni Vee ay PTSD. Ang sakit na ito ay tahimik na sumisira sa kanya, at sa kaniyang pag-asa.
This story shows how invisible wounds in the heart and body can lead a person into overwhelming turmoil, while the pursuit of happiness and fulfillment becomes a battle against one's own demons. The real question is: How far can Vee continue, despite the pain she endures?
Let's see if she can ever achieve the essence of the title "Chaos: The Spark Behind the Muse".