Pinangako mo. Pinangako mo na hinding hindi mo ako makakalimutan! Akala ko tutuparin mo pa rin ang pangako mong iyon! Nung gabing nagkita muli tayo, akala ko hindi mo ako nakalimutan, hindi magbabago ang nararamdaman.. Pero mali pala. Nakalimutan mo ako. Nagbago ang nararamdaman mo. Sa mga taon na lumipas ikaw lang ang nasa isipan ko! Walang segundo na hindi ka napapadaan sa isipan ko. Kumakapit ako sa pangako na ngayon ay nawala na. Hindi talaga ako sangayon sa kasabihang "Promises are meant to be broken." Ba't ka pa gagawa ng promise kung hindi mo din pala tutuparin?