Unfriendly, determined, matapang, at palaaway: iyan ang mga salita that best describe Carlielle 'Carly' Santos. Simula nang bata pa lang siya, hindi na siya nanghihingi ng tulong sa iba. Hindi siya sang-ayon na teamwork ang nagpapadali ng mga gawain. Ang grades lamang niya ang dahilan kung bakit siya nasasali sa group activities at clubs, wala nang iba. It's not even a problem for her that she has no friends and that no one wants to be around her.
All the 16 years of her life, walang may balak na i-befriend siya. Pero magbabago iyon nang lapitan siya ni Harris Velasco, ang lintik sa bait na vice-president ng kanilang klase. At sinabi sa kanya, "I like you." Dahil sa isang sentence na iyon, nagbago ang way ng kanyang buhay; NAGULO ITO! Tinanggi niya ang nararamdaman sa kanya ni Harris ngunit pinangako sa kanya nito na papatunayan niya na totoo nga ang kanyang nararamdaman.
Paano kaya mapapahulog ng isang mala-anghel na lalaki ang loob ng isang tila demonyang galing sa impyerno? Will Carly let such a nuisance hold her heart and get a happy ending? Or risk her grades for nothing in the end?