Paano na lang kung makilala mo ang ultimate match mo sa kapilyahan? Akala mo ikaw na ang reyna ng sarcasm, reyna ng kabaliwan at reyna ng kasungitan pero paano kung makilala mo ang tatalo sa'yo? Aba'y syempre hindi mo iyon magugustuhan! Lalo na kung hindi mo pa siya kilala. Pero paano nalang kung ibahin ng paglipad ng ibon ang mga pangyayari sa buhay mo? ... sa buhay niyo? Gagalawin mo pa ba o hahayaan mo na lang? I am Avery Allen. Nakatira ako sa Madilim street, Barangay Tago sa City of Invisibility. Sabi nila conceited daw ako pero ang totoo niyan, naguguluhan lang sila dahil hindi nila alam ako'y isang matagal nang nawawalang anghel sa langit. Hindi ko alam... Ang sabi nila, ng mga kaibigan ko, na papadalhan ako ng mga sugo dito para ihatid pabalik sa langit pero... bakit demonyita ang dumating?!