Kapag nakagawa ka daw ng isang libong origami, matutupad daw ang wish mo. Yun ang alam ni Diamond kaya agad niyang sinubukan iyon pero isang araw, nakita siya ni Rafael--ang kanyang ultimate crush at sa hindi malamang rason, mas magaling pa ito kay Diamond kaya nagpaturo siya kaagad sa lalaki. Naging malapit sila at kahit na isa yun sa mga wish niya, sana matupad pa rin ang ultimate wish ni Diamond. Ano kaya ang hiling niya?