"How Cupid's Game Works" *** Wala nang iba pang hindi tao na mas kukulit pa sa tadhana. Alam nating walang tao ang walang kapareha sa buhay. Pero ako? Mukhang wala na rin talagang kaparehang makakasama habang buhay. Hindi ko alam kung sadya ba pero mukha naman talagang kamalasan ang nangyayari sakin ngayon. Wala nang iba pang mas lalala kundi ang mapahiya't mapaglaruan ng ilang beses sa harapan ng iba't ibang lalakeng minsan ko nang nagustuhan. Ano bang kasalanan ko, universe?! "A-anong-" halos mahimatay na sabi ko. Hindi ko na 'to maituloy dahil ba naman sa nasasaksihan kong kahibangan. Imposible to. Si Kupido, mataba, nakalampin, lumilipad at may palaso. Pero, siya?! Na hindi ko inaasahan- na siyang nambu-bully sa akin ng patago; ay ang tao o ewan ko, basta hindi siya tao! Na kumukontrol lang naman sa kapalaran kong pang-pag-ibig. Shortly and accurately, this jerk is Cupid, and I'm trapped on his game. --- Written on: January 5, 2016 HOW CUPID'S GAME WORKS Written by: Blueiri | Feigh Torida All rights reserved ©2018 "Is there still a quit or pause button to stop this sanity called love?" - Sara's Cupid"