BOOK 2: Una Ultima Noche Con Trinidad ( One Last Night with Trinidad )
8 parts Ongoing MatureSinasabi nila na kayang magtagal ang pag-ibig kahit sa pinakamatinding digmaan-ngunit paano kung ang digmaan mismo ang pinakamalupit na kalaban?
Sa gitna ng nagbabantang pagbagsak ng pamahalaang Kastila at ang pagdating ng mga bagong mananakop, isang lihim na pag-ibig ang unti-unting umusbong sa pagitan ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo.
Si Trinidad, ang anak ng isang namayapang ilustrado na dating lumaban para sa reporma, ay pinanday ng lungkot, galit, at hangaring ipagpatuloy ang laban ng kanyang ama. Samantalang si Severino, isang tapat na Pilipinong guardia civil, ay nahulog ang loob sa babaeng bahagi ng kilusang lihim na Reklamadores.
Sa pagsiklab ng Digmaang Español-Amerikano noong 1898- isang digmaang magtatakda ng kapalaran ng buong kapuluan- pinilit nilang pangalagaan ang isang pagmamahalan na isinilang sa pagitan ng tungkulin at pagtataksil, ng dangal at pagnanasa.
Isang pag-iibigan na itinaguyod sa kabila ng panganib, pagdududa, at magkaibang pananaw sa kalayaan at pananagutan. Ngunit ang digmaan ay walang pakialam sa mga pusong umiibig. Ang kanilang lihim na ugnayan ay unti-unting nahulog sa pagitan ng tungkuling sundin ang utos ng kolonyal na kapangyarihan at ang matinding pagnanasang makalaya mula rito.
Makakaligtas ba ang kanilang pag-ibig sa gitna ng kaguluhang nilikha ng digmaan, o magiging isa na lamang itong trahedyang magpapatunay na sa panahon ng pananakop, walang sinuman ang ligtas- maging ang dalawang pusong sabay na tumibok sa gitna ng himagsikan?