Walang kaproble-problema sa buhay si Picholo Cervantes. Masaya siya sa pagiging buhay binata at masaya siya kasama ang mga kaibigan na itinuring na rin niyang kapatid.
Subalit nabago ang lahat ng iyon nang makatanggap siya ng misteryosong mensahe mula kay Rome-ang pinakamalapit niyang kaibigan. Ang dati ay tahimik niyang buhay ay nabulabog sa biglaang pagkamatay nito.
Alam niyang may kakaiba sa paraan ng pagkamatay nito na hindi maintindihan ng mga ekspertong sumuri rito kaya naman kasama ang iba pa niyang mga kaibigan ay bumuo sila ng sariling imbestigasyon.
Wala na siyang pakialam kung saan man siya dalhin ng ginagawang paghahanap. Ang kailangan niya ay malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan at pagbayarin ito sa ginawa... kahit ibig sabihin niyon ay buhay niya ang kapalit.