Si Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang kanilang pamilya. Dahil sa pag kamatay ng ama nila at nakasanla ang lupang pinagkukunan ng pamilya nila ng hanap buhay. At pagkabaon nila sa utang ng mahospital ang ama nito bago namatay. Pag dating niya sa Japan. Di niya akalain na sa banyagang lugar pa siya iibig sa unang pagkakataon at kung sisiniswerte pa ay ang napili Oo puso niya ang binata na wala sa bulabularyo ang salitang pag ibig. Si Makuto dela Vega Ishikawa (Mako) isang binata na half pinoy at half Japanese na lumaki sa Australia pinadala ng ina sa Japan bilang parusa dahil sa pagiging suwail at sakit ng ulo nito sa ina at sa subra nitong pagkababaero.Palibhasa nag iisang anak na lalaki sa tatlong magkakapatid. Pindala siya sa Japan ng kanyang magulang para tumino at madisiplina ng kanilang Lolo Ichimura dahil kung ang pag didisiplina ang pag uusapan at pagpapatino ito na yata ang pinaka the best. Lahat sila takot dito dahil kunting mali mo lang siguradong may kaukulang parusa. Tumino kaya si Mako? Dito pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang taong mag kaiba ang pananaw sa buhay at prinsipyo. Isang walang alam gawin kundi ang magpakasaya sa buhay at sarili lang ang iniisip. At isa na handang gawin ang lahat para sa pamilya at mahal sa buhay. Mapabago kaya si Mako ng pag ibig ni Cassandra para sa kanya? Abangan......