Walang Tulugan, With Feelings
32 parts Complete Sa bawat tawanan, foodtrip, at call na walang tulugan, apat na magkaibigan ang hindi inaasahang madala sa isang app na gawa lang sana sa trip - MatchyLit. Doon, si Izzy, ang pinaka tahimik pero pinaka curious sa kanila, ay nakakonekta sa isang misteryosong boses.
Hindi niya alam ang pangalan. Hindi niya alam ang mukha. Pero gabi-gabi, bumabalik siya.
At habang dumadalas ang tawag, unti-unting bumubukas ang isang koneksyong mas malalim kaysa sa inaasahan.
Dahil minsan, ang mga hindi sinasadyang tawag... sila pala ang matagal mo nang hinihintay.