8 parts Ongoing Sa gitna ng kaniyang paglalakbay tungo sa matagal nang pinapangarap na tagumpay, sa bawat hakbang na puno ng pagsubok, pagod, at pag-aalinlangan, ay hindi niya inasahan na may isang taong darating-isang presensiyang tila isinulat ng tadhana upang baguhin ang landas ng kaniyang kapalaran. Hindi lamang basta nakilala, kundi unti-unting naging liwanag sa mga madidilim na bahagi ng kaniyang paglalakbay. Sa piling ng taong iyon, natutunan niyang hindi lamang layunin ang mahalaga, kundi pati ang mga damdaming nadarama habang tinatahak ang daan patungo rito. Ang dating tuwid at tiyak na direksyon ay biglang nagkaroon ng mga liko-hindi upang iligaw siya, kundi upang ihatid siya sa isang mas makabuluhang bukas na hindi niya kailanman naisip na posible.