Para sa mga taong sumaya sa una
pero nasaktan lang sa huli.
Sumaya ka dahil nga sa nagmamahalan kayong dalawa,
Sumaya ka dahil lahat ng mga pangarap mo ay pangarap din niya,
Yung pangarap mong binuo kasama siya,
Yung pangarap nyong kayo parin hanggang sa pagtanda.
Mga pangako ninyong dalawa,
Na kahit anong mangyari,
Hawak kamay niyo parin ang isa't isa,
Pero ngayo'y nawala na,
Nawala, naglaho ng parang bula.
Masaya ka bawat araw na magkasama kayong dalawa,
Masaya ka dahil siya lang ang taong nagbibigay sayo ng saya, na hindi mo maramdaman sa iba.
Pero bawat saya,may lungkot na pumapalit,
Nawala yung tamis at ngayoy tanging pait ang pumalit,
Parang kape lang na sinusubo sa iyong bibig,
Eh ganyan naman talaga yung pag-ibig,
Yung inakala mong kayo na,pero maghihiwalay pa pala.
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pakikipaghiwalay sa kanila. They want more from him, but he don't.
He wants another.
He wants Blythe Ong, ang star student ng Humanities strand. Sa lahat ng niligawan niya, ito lang ang pinakamakipot sa lahat. He persuaded her persistently pero binasted lang siya nito sa huli. Ang rason? Bobo daw siya.
And Rocket is determined to make her realize how wrong she was. He's not dumb. He's far from that and only Ville Abellar, the well-known brainy bayaran ng school nila, ang makakatulong sa kanya. Will Rocket ever get to prove he's not what Blythe thought him of and snatch her heart the second time around? Or will he learn more things than what he asked for?