WitchCarnation

WitchCarnation

  • WpView
    Reads 108
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 4
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sun, Jun 22, 2014
Sumulyap siya sa kristal na bola sa kanyang lamesa at napansin niyang tila nawala ang kinang nito mula ng iwan niya ito upang pumasok sa paaralan. Para bang lumabo ito sa pagdaan ng oras. Lumapit siya sa lamesa habang hawak-hawak pa sa kanyang kamay ang telepono. Tinitigan niyang mabuti ang kristal na bola. Alam niya na imahinasyong niya lang ito ngunit sa loob ng kristal na bola ay may mga anino na tila gumagalaw na para bang may kung ano sa loob nito. Inilapit niya pang mabuti ang kanyang mukha sa kristal na bola at nakita ang imahe ng isang babae, namamaluktot sa sobrang sakit at nasa malubhang kalagayan. "That's ridiculous!" sabi ni Melody sa kanyang sarili. "Imahinasyon ko lang ang lahat ng ito. Kpag nagpatuloy akong ganito, magmumukha akong baliw." Kinuha na niya ang kostyum sa kanyang bag, itinupi ito kasama ang telepono at inilagay sa isang paper bag. Palabas na siya ng kanyang kwarto nang biglang may narinig na isang malakas na kalampag sa may kusina. At pagkatapos, isang malakas at matinis na sigaw ang narinig.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN
  • The Mysterious Lady (COMPLETED)
  • IM INLOVE WITH A MOBILE LEGENDS PLAYER
  • MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY
  • CALL WAITING
  • Best Friends
  • IKAW LANG
  • Not Just A Pretty Face

Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.

More details
WpActionLinkContent Guidelines