Napakaraming taon ang ginugugol ng mga kabataan para mag-aral. Marahil hinahanda sila para sa kanilang mga magandang kinabukasan, ngunit bakit tila ang mga kabataang nakakatapos ng kolehiyo ay minsa'y hindi angkop ang trabaho sa kinuhang kurso, at ang masaklap, hindi parin nakakakuha ng trabaho kahit may hawak nang diploma at naipakita na sa buong mundo na nalagpasan na niya ang pagsubok bilang isang mag-aaral. Bakit nga ba tayo nag-aaral ng napakaraming taon kung pwede lang naman natin itong hubugin gamit ang ating sariling kalidad? Napakaraming taon ang ginugugol natin sa pag-aaral ngunit bakit minsan tila'y ang mga mag-aaral ay nawawalan na ng sipag at tiyaga? Ang sulat na ito ang maglilinaw sa mga mambabasa, lalo na sa mga kabataan kung bakit mahalaga ang edukasyon sa bawat mamamayang Pilipino:
3 parts