"Late na naman ako." Ganun na lang lagi. Walang humpay ang pagtakbo ng oras. Buhay call center agent slash frustrated writer. Sa opisina, buong gabi ka naka-headset, naka-smile kahit gusto mo nang sabunutan yung customers na sumisigaw ng 'I want to talk to your manager!' Tapos pag-uwi, zombie mode na. Ako si Senaa. Ordinary girl. Hindi ako honor student. Hindi rin ako model. At lalong hindi ako isa sa mga Nepo Babies na nagpakasasa sa buwis ng mga ordinaryong mamamayan. Ang pinakamalapit ko sa pagiging bida ay kapag ako yung pinapadala sa tindahan ng nanay ko pag may ipapabili siyang suka. Pero ngayong gabi... hindi ko alam na magiging bida pala ako sa isang mala-K-drama na wala sa plano.
More details