Lahat na lang ata ng dapat tanggapin, tinanggap ko na. Tanggap ko na, na mahirap magkaroon ng Mama na papalit-palit ng boyfriend. Tanggap ko na, na ayaw sa akin ng ama ko. At lalong tanggap ko na, na ang mundo ay isang malaking arena na kailangan mong manalo sa bawat hamon at pagsubok ng buhay, para manatili kang nakatayo at patuloy na mabuhay. Ako si CASSANDRA MONTES, isang babae na kailan man ay hindi nagpaapi, tawagin man nila akong "Gold Digger" basta alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo. Isa man akong anak sa labas mulat ako sa katotohanang hindi lahat ng gusto mo makukuha mo at hindi lahat ng tao gusto ka bilang isang tao, because I believe that I am "The Unwanted Daughter".
1 part