Ito ang kuwento ko kung paano kita minahal nang higit pa sa sarili ko. Ito ang kuwento natin na akala natin ay magtatapos ng masaya at makakapiling natin ang isa't-isa. Ang kuwento na hindi na dapat pa nagsimula. Hindi na dapat pang nagkita at hindi na dapat ako bumalik sa nakaraang panahon at makita ka. Masakit... Masakit maranasan ang iwan ka. Umaasang magkikita pa tayo muli. Hindi na sana kita minahal, nang hindi ako umaasang magkikita pa tayo muli.