IF YOU ALREADY REPLIED, YOU CAN NO LONGER ERASE IT. Saksi ang apat na sulok ng aking pag-iyak ng ilang timba dahil lang sa kanya. Bawat hapdi at kirot na animoy sinaksak ng patalim at tila ba'y bawat galaw ko ay 'di ako makahinga. Wala. Wala siyang kasalanan. Wala siyang ginawang karumdal-dumal. Hindi ako makasagot sa mga tanong kung bakit ganito. Isang krimen na naman ang aking ginawa. Oo, krimen. Ako yung may sala, ako yung biktima pero ako rin ang suspek. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ayaw pa rin magpahinga ng aking mga mata sapagkat alas dose na ng madaling araw. Nagbuntong hininga ako. "Paano ba makalimot? Nais ko sanang kalimutan ang mga pangyayaring yun," inis kong sabi sa aking sarili. Malamig na hangin ang yumakap sa akin kasabay ng pagtunog ng aking cellphone. One message received. "Hi," basa ko sa mensahe. "Hmm? Sino ba 'to? At paano niya namang nakuha ang cellphone number ko?" Tanong ko sa sarili at minabuti kong huwag na siyang replayan dahil wala naman akong ideya kung sino 'to. Wala pang limang minuto ay bigla na naman siyang nagtext. Hindi ko alam pero alam kong natitiyak akong kinain ako ng kuryusidad. "Lance Ferrer. Visit your Facebook message. May mensahe ako. Goodnight!" Inilapag ko na ang aking cellphone sa tabi ng aking kama sapagkat inaantok na rin ako. Bukas ko na lang sisilipin ang taong 'yun. Pero sa oras na ito, isa lang ang alam ko. Panibagong krimen na naman 'to.All Rights Reserved