Simple lang ang buhay ni sheena. Mabuti syang anak, scholar sa school, maganda (ehem) pero suplada.
Naging kumplikado lang ang simple nyang buhay sa pagdating ng isang simpatiko, mayaman, mayabang, at-- gwapo. Yes! Ang gwapo nya! na halos masilaw siya sa kagwapuhan nito.
Hindi malaman ni sheena kung bakit lagi silang pinagtatagpo, pero sa pagtatagpo nila, lagi silang nagbabangayan. Ilang, ilag at ayaw na ayaw nya sa lalakeng to.
Pero ito ba ang magiging daan para unti-unti nya itong matututunang mahalin?
Totoo nga ba ang kasabihang,
The more you hate, the more you love?