Siguro naman halos lahat sa atin may facebook crush di ba? Yung tipong pag nag post sila, napapasmile tayo, pag bumabanat, kinikilig tayo. Pag nagpost naman ng mga love quotes, assuming naman agad tayo, sinasabi natin na 'SUS! Ako ata pinatatamaan niya' tapos magpapagulong gulong agad sa kama natin. Pero mahirap pala no? Yung tipong gusto mo siya, crush mo, kaso di mo pa nakikita. At super unexpected pa yung first meet up niyo. Sana naman sinabihan nila agad ako para naman nakapag gown ako. Hahaha.