"I am letting you go." this five words are the most painful words i have ever said. Habang sinasabi ko itong mga salitang ito, unti-unti ring dinudurog ang puso ko. Natatakot ako na malaman ung totoo. Natatakot ako na mapatunayan ung sinasabi ng ibang tao na hinihintay nalang niya na ako ang sumuko.
"Yan ba talaga ang gusto mo?" he said emotionless. I look straight into his eyes. May gusto ako makita sa mga mata na un. Pero bakit ganito? Wala akong makita sa mga mata niya. Galit? Pain? Happiness? Kahit ano.
Totoo nga ba yong mga sinasabi nila na hinihintay nalang niya na ako ang sumuko? Totoo kaya yong sinabi nila na sabi niya nabulag lang siya? hindi nga ba talaga niya ako minahal?
"Kung yan gusto mo, okay." Tumalikod na siya at akmang hahakbang nang muli siyang humarap. And once again, nabuhay ung pagasa sa puso ko. I am still hoping na maayos namin ito. I am still hoping na mali ung ibang tao.
"Thank you for letting me go."Sabi niya na nakatingin sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko yong mga salita na yon, hindi niya inaalis sa mga mata ko yong titig niya. Ito nga lang siguro yong hinihintay niyang sabihin ko.
Masakit. Sobrang sakit. Sabi niya hindi niya hahayaan na masaktan ako, na umiyak ako. Pero grabe, mas masakit pa ito ehh. Mas masakit dahil pinaramdam niya sa akin at pinaniwala niya ako na hindi niya ako iiwan, na hindi niya ako sasaktan.
Siguro nga letting go of someone you love is the best way you can do to see them happy. I wanted to see him happy. Kaya sige, i'm letting him go.