"Marami akong oppa sa South Korea. Pero ikaw lang sa totoong buhay." Akala ng fans ko, wala akong problema bilang Dollie Cruz kasi sikat na celebrity host daw ako. Maganda, bubbly, at sexy daw ako. Gusto ko ring maniwala na "good catch" nga ako kaya heto, niligawan ko si Zild, 'yong guwapo at hunk na kapitbahay ko. Hindi naman ako maglalakas-loob na gawin ito kung hindi ko nararamdamang may feelings din para sa akin ang future groom ko. Kaso, wala na siyang ibang ginawa kundi yayain akong kumain. Eh hindi ako puwedeng kumain nang marami. Mas malala pa kasi sa simpleng diet ang dahilan...