Lost Blood, ang dugong kayang pumatay ng isang bampira. Ang dugong kinatatakutan ng mga bampira ngunit dahil sa isang malawakang digmaan maraming namatay na mga lost blood hanggang sa paglipas ng panahon ay unti-unti na silang nauubos. Sa loob ng 100 taon halos malaya na ang mga bampira sa lugar na kinagagalawan nila hanggang kamakailan lang ay nabalitaan nila na may nabubuhay pang isang lost blood. Ang pinaka huling salinlahi ng mga lost Blood. Kaya bang magsawalang bahala ng mga bampira lalo na at maaari silang patayin ng natitirang salinlahi ng mga lost blood o magsisimula silang hanapin ito at patayin bago pa sila maunahan ng kanilang hari na si Christopher Astor.