Pangalawang beses na nya akong nasaktan pero bakit di ko pa rin kayang kalimutan tong nararamdaman ko sa kanya? Pangalawang beses na nya akong pinaasa na mamahalin nya ako ng buo yung walang kahati.. pero Fail eh.. sinaktan nya lang ako. Sinubukan kong magmove on.. ay mali there's no such thing as moving on nga daw diba.. kaya "acceptance" yun ang tamang term. Sobrang hirap.. araw at gabi umiiyak ako.. sinisisi ko ang sarili ko kaya sawi ako ngayon. Tinatanong ko sarili ko kung san ako nagkulang.. bat sya pa rin? bat sya ang pinili mo? Pero alam ko naman ang sagot eh.. ayaw ko lang aminin kasi masakit.. masakit aminin na nakiamot lang ako ng pagmamahal mula sayo dahil alam ko simula palang na sya ang mahal mo.