First Love vs TOTGA vs BestFriend vs Present Who will be her Great Love? -- Hindi ko alam kung bakit masiyadong mapaglaro ang tadhana, mapanakit at madaya Nakakatakot maging masaya kasi bawat tawa mo, may kapalit na luha Nakakatakot umibig dahil bawat kilig may sakit na kapalit At mas lalong nakakatakot tumaya, kasi alam mong una palang masiyado nang madaya. Bakit kaya ganun? Lahat naman tayo isa lang ang gusto, ang maging masaya, magmahal at mahalin at higit sa lahat ang hindi masaktan, pero ganun nga siguro yun, life will never be fair no matter what, it is always unfair. Ano nang gagawin ko ngayon? Napahugot ako ng napakalalim na hininga bago punasan ang huling patak ng luha saking mga mata. Its been 5 years, bakit ngayon pa nila ginulo ang puso kong tahimik na. Hindi ko mawari kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam bakit nagugulantang ang tahimik kong mundo. Ang first love ko, ang great love ko, ang tinuring kong bestfriend, at ang kasalukuyang nagpapasaya sakin. Bakit ganun? Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko na kayang umibig pa. Kung kailan hindi ko na kayang maniwala pa. Kakayanin pa kaya ng puso ko? Gayung ngayon palang wasak na naman ito. -- BC: (thanks to) SilverXTwilight
6 parts