Lihim
  • Reads 200
  • Votes 27
  • Parts 9
  • Reads 200
  • Votes 27
  • Parts 9
Ongoing, First published Jan 30, 2019
Nagbabalik bayan si Gabriella Isabel de Ezpeleta sa sampung taon nitong paninirahan sa Espanya. Siya ang anak ng kinamumuhian na pinakamataas na opisyal, ang Gobernador-Heneral na piniling ipagkait ang anak sa mga taong nais makilala at makita siya. Si Gabriella ang babaeng walang pakealam sa lahat, hindi siya namamasin at wala ring bahid na emosyon ang mukha nito. Isa nga siya sa pinakamarangya at pinakamakapangyarihan ngunit mag-isa lamang ito at walang kaibigan. 

Sa pag-uwi niya ng Pilipinas ay nagawa na siyang ipakilala ng kanyang ama sa isang pagdiriwang ng kanyang pagbabalik. Hindi niya alam na iniirog pala ng kanyang ama sa babaeng matagal ng may galit at inggit sa kanya. Binalak pa nitong patayin si Gabriella ngunit nabigo sila sapagkat dinakip ito ng isang mysteryosong lalaki na nagngangalang Gael Balcazar. Dinala rin nito ang dalaga sa pugad ng mga espiya. 

Si Gael ang lalaking pilyo, mysteryoso at madiskarte na magpapabihag sa malamig na puso ni Gabriella. Siya at ang mga kasamahan nito ang magpapabago sa pananaw sa buhay ni Gabriella. Sa kanila niya mahahanap ang tunay na kaligayahan, pagmamahal, at pagkakaibigan. Ngunit maaari itong mawala at magiba ng dahil sa kanilang mga lihim. Lihim na pilit kinukubli para sa kanilang sariling kapakanan, pamilya, katauhan at pagkakaibigan. 

Paano kung sinubok sila sa katagang "Walang lihim na hindi nabubunyag" na sisira at gugulo sa kanilang buhay?

Paano na ang lihim sa pinagbabawal na pagmamahalan?

Paano nila ito malalagpasan kapag ang lahat ng lihim ay mailantad?

Ito ang istoryang nagbabalot ng lihim na siyang susubok sa kanilang tiwala, pagmamahalan, pagkakaibigan at pakikiisa.
All Rights Reserved
Sign up to add Lihim to your library and receive updates
or
#3619thcentury
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos