Mahal,
Ang mga tulang ito'y alay ko sa'yo
Sana naman ay magustuhan mo
Inaamin kong hindi ako magaling
Ngunit dito ko parin nais iparating
Sa munting tulang walang sukat't tugma
Ang pagmamahal ko sayo na sa puso'y nagmula
Sana'y iyong madama bawat titik at letra
Upang iyong makita kung gaano ka kahalaga
Na ikaw lang mahal ang aking iibigin
Kahit na ang aking hininga ay pawiin
Nagmamahal,
Dyesika
Highest Rank Achieved
#65 / 656 in poem 02/20/19
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang