Ang tao pag natuto nang umibig at magmahal, lahat na ata ng katangahan, magagawa mo nang di mo namamalayan. Iba't-ibang level ng katangahan ang mararanasan mo, depende kung gaano katindi ang pagmamahal mo para sa isang tao. Si Wynes minsang naniwala na may forever na sila ng long time boyfriend nyang si Andrew, naniwala sya na hindi sya gaya ng mga bff nya na saksakan ng katangahan pag dating sa pag-ibig, naniwala syang iba ang love story nila ni Andrew na hindi na sila maghihiwalay pa. Pero ang paniniwala nya palang ito ay isa lamang ilusyon, kabilang din pala sya sao team tanga na gaya nila Erah, Lalaine at Irish may kanya kanyang level ng katangahan pag dating sa pagmamahal. Hanggang sa nakilala ni Wynes si Dylan, paano nga ba nila babaguhin, ang papanaw ng isat-isa. At sa piling kaya nang isa't-isa may forever sa kanila?.