How a woman with an alluring beauty drive herself to power. Isang kakaibang umaga ang bumungat sa mga mata ng bagong gising na si Anna. Isang second year HS na estudyante ng pamantasan ng Maynila. Iniunat nito ang katawan at nagmuni muni. Gaya ng ibang estudyante na kaedad nya ay palaging late sya sa pagising kaya late na naman itong makakarating sa kanilang paaralan. "Anna," Sigaw ng kanyang ina." Hindi ka pa gumigising jan, Anong oras na?! Nakaluto na ako ng pang agahan, ang trabaho mo maliligo na lang at kakainin? Ang lapit lapit na nga ng paaralan mo malalate ka pa? Noon nagiigib pa kami ng tubig para makapagligo at nagsasaing pa kami. IKAW? Ang tamad tamad mo". "Opo babangon na po" sagot ni Anna. "Anong babangon, bilisan mo ang galaw mo bata ka para kang uud." Pagtingin nya sa orasan 45 minutes na lang kaya lundag agad sa CR si Anna para makabawas at makaligo.All Rights Reserved