PROLOGUE // YEAR 2080 // "Year, 2019.." sabi ni mom habang tinatype ito. Pagkatapos nun, tinitigan nya ako ng mariin. "Son, are you ready?" Fvck. What are they talking about? "Mom-- please not now. Baka mamulubi ako dun. Wala pa akong mga gamit!" "Son, you have already the bag inside. Why don't you look at the left side? Nandyan na dyan yung three dimensional bag mo kung saan napasok na lahat ng mga kakailanganin mo." sabi nya sabay tawa. "Don't worry.. na keep ko na rin dyan yung mga underwears mo." Sh*t. Like what? Hindi na maitsura yung mukha ko ngayon. Ang weird nya. "Okay.. Humanda ka na kasi you'll be sent there.. in one.." Nataranta ako ng bigkasin yun ni Mom. What the heck--! Are they fvcking serious about this? Pano kung pumalpak bigla? Baka mamatay ako ng di oras. Gusto kong sumigaw kaso wala talagang boses na lumalabas sa bibig ko. "two..." P*ta. Pano na to? Totoo ba to? Pinagpapawisan na ako. Ayoko pang mamatay! "...THREE!" AAAAAAHHHHH!!! Kasabay ng pagsigaw ko ang biglang pagliwanag ng paligid. Hinila ako ng isang malakas na enerhiya at pagkatapos ay hinigop ako ng isang malakas na portal papasok sa panahong pinogram nila. Ang taong 2019.